Sunday, August 26, 2007

Sa Aking mga Kabata ni Jose Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawid

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

5 comments:

Anonymous said...

Dead poet

I remeber that poem when i was 13 year old that was the theme of our Sabayang pag bigakas..we won...

Anonymous said...

Gingle

Proud to be pinoy!!!

Anonymous said...

Shine

Go go go Rizal will top next week..
i'll like that poem...

aus naman eh..
bit mo ung kay robert frost..

Anonymous said...

Bayaning Mongo

Rizal is the best!!!
Galing mo talaga Rizal
sana ma meet kita..lol..

Anonymous said...

Prince of Poet

Oo nga sana makita ko si Idol..