Friday, September 28, 2007

"Ang Hiwaga, sa Gabing payapa"- Jonas B. San Pedro

Nakatutulig,nakatutulig, sa aking pandinig,

sa sobrang tahimik, ay walang marinig,

pusikit ang kadiliman, di sukat malirip,

nang biglang sa may kuarto...,ang papag ay lumangitngit.



Kumalabog ang pinto't,nag sara ang bintana,

celedura'y napihit, mula kanan pakaliwa,

para bang lumilindol, doon sa may dambana,

ako nga'y nag usisa't, inalam ang hiwaga.



Tumunog ang agunyas, at ako'y nangilabot,

kaba sa dibdib ko'y, labas masok labas masok,

ako'y napasigaw.., ng maipit ang buhok,

nawala ang diwa't, ang ulo'y kinamot.



Nang ako'y lumapit, sa kuarto'ng madilim,

may isang aninong, lumapit sa akin,

pawis ko ay namuo, ang mata ko'y naduling,

nang aking tanglawan, ay puno ng saging.



Dagli ako'ng lumabas, at ako'y nakakita,

ng isang kabayo'ng, may pakpak na pula,

maitim ang binti, ma asul ang mata...nang aking lapitan...ay DROWING lang pala.





links:http://www.friendster.com/group-discussion/index.php?t=msg&th=977879&start=0&

No comments: